Pagsusuri — Bob
Ong at RJ Ledesma
Nakakagaan ng kalooban basahin ang mga akdang “I Do or I Die” ni RJ Ledesma at “Stainless Longganisa” ni Bob Ong (kahit na excerpt lang ito).
Ang makwelang pagsasalaysay ng mga may-akda ay nakapang-anyaya sa mambabasa na mas lalo pang magbasa. Higit doon ay nagustuhan ko yung pakiramdam na parang nakikipagkumustahan ako sa isang kaibigan matapos ang isang mahabang panahon na hindi kami nagkita.
Ang akda ni RJ Ledesma na nagsa-salaysay ng kaniyang mga karanasan at pinagdaanan sa paghahanda para sa kasal nila ng kaniyang nobya. Madaling sundan ang takbo ng mga pangyayari, ang naiisip ko ay parang ito yung opening sequence ng pelikulang UP pero imbis na malungkot ang katapusan ay masaya naman ang kinalabasan ng mga pangyayari. Nakatulong din sa daloy ng akda ang paggamit ni Ledesma ng first person POV dahil mas nagiging malapit tayo sa persona ng akda, at naisa-salaysay ng perosna nang mas malinaw ang mga pangyayari.
Ang excerpt mula sa akda ni Bob Ong ay ibang usapin naman. Hindi ko alam kung ako lang pero nahirapan akong sundan ang daloy ng akda. Hindi naman sa “pangit” ang ginawa ni Bob Ong na ito, napansin ko na sa pagpapatuloy ng akda ay tila tumigil na akong maghanap ng continuity at parang nakikinig nalang ako sa pag-rant ng isang kakilala. At kahit na tila walang continuity ang kabuuan ng excerpt, madali naman intindihin at sundan ang diwa ng indibidwal na mga anecdote dahil malinaw na nailalarawan ng Bob Ong ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paggamit nya ng first person POV dahil kahit na hindi man maisulat sa salita ni Bob Ong ay tila naiintindihan ko ang mga nais iparating ni Bob Ong dahil sa paggamit nya ng informal o casual na wika.
Sa kabuuan, ang dalawang akda na ito ay mga sneak peek sa buhay ng mga may-akda. Ang mga tila mundane, random, at mga normal na bagay na pinagdadaanan ng lahat ay nabigyan ng unique at personal na twist ang mga anecdote na isinalaysay nila Ledesma at Ong. Sa pamamagitan ng mga akdang ito ay mas lumawak at lumalim ang pagtingin ko sa mga akdang CNF. at kaakibat nito ang panibagong pananaw ko na kahit na sa pananaw ng iba ay normal at pangkaraniwan ang mga pinagdadaanan natin ay hindi maitatanggi na maari nating ipakita kung gaano ka-espesyal at mas mailahad natin ang mga naramdaman noong pinagdadaanan natin ang mga “pangkaraniwan” na pangyayaring iyon.