CNF Writing Exercise: Spirit of the Childhood Past

Mayo 2007. Kyoto, Japan. Tinatapos ng tatay ko ang huling semestre ng kaniyang Doctorate sa University of Kyoto, at huling buwan namin bago umuwi sa Pilipinas. Apat na taong gulang ako at anim na taong gulang naman ang ate ko noon. Bago kami umuwi, nagdesisyon ang mga magulang ko na gumala at mag-libot naman kami. Una naming pinuntahan ay Universal Studios sa Kyoto, at sunod naman ay Tokyo Disneyland. At para sa huling gabi namin ay kumain kami sa isang shabu-shabu. Malabo na ang mga detalye sa aking memorya, pero yung tuwa at saya ay hindi ko malilimutan.

--

--